e•pís•to•lá 1: liham, lalo na ang may seryosong paksa 2: alinman sa mga liham ng Apostoles sa Bagong Tipan
e•pis•to•lár•yo 1: kalipunan ng mga liham; mga tinipong liham 2: paraan ng pagkatha na idinadaan ang istorya sa pamamagitan ng liham o sulatan ng liham
e•pis•yén•si•yá 1: kalagayan o katangian ng pagiging episyente 2: kakayahang gumawâ ng isang bagay sa pinakamabilis at pinakamatipid na paraan 3: ratio ng natapos na gawain kaugnay ng enerhiyang ginamit para dito, karaniwang ipinahahayag sa pamamagitan ng persentahe
e•pi•táp•yo 1: mga salitâng isinulat o iniukit sa nitso o monumento para sa alaala ng namatay 2: maikling elohiyo para sa namatay
e•pí•ta•sís 1: pinakamahalagang bahagi ng dramang klasiko patúngo sa katastrope 2: katinisan ng tono 3: atáke2
e•pi•tél•yo : tissue na binubuo ng isa o higit pang suson ng cell, tumatakip sa ra-baw ng buong katawan, at nagsisilbing sapin ng tiyan at iba pang hungkag na estruktura
e•pí•te•tó 1: pang-uri o anumang salita na nagpapahayag ng katangian, karaniwang ipinapalit sa pangalan ng tao o bagay 2: salita na mapang-alipusta