epicenter (é•pi•sén•ter) 1: punto sa rabaw ng lupa na tuwirang nása ibabaw ng sentro ng lindol 2: sentro ng suliranin
epicycle (é•pi•sáy•kel) : maliit na bílog na may sentrong umiikot sa sirkumperensiya ng higit na malakíng bílog
epidemiology (é•pi•di•myó•lo•dyí) : pag-aaral ukol sa epidemya at sa mga paraan ng pag-iwas at pagsugpo nitó
e•pi•dém•ya 1: malawakang pagkalat ng sakít sa isang komunidad sa loob ng isang panahon 2: ang naturang sakít
e•pi•dér•mis 1: panlabas na cellular na bálot ng balát 2: panlabas na sapin ng mga cell ng dahon, ugat, at katulad