er•mí•ta 1: tirahan ng ermitanyo 2: alin-mang tirahang hiwalay o malayò sa karamihan; bahay na nakabukod sa karamihan
er•mi•tán•yo 1: tao na lumayô at tumirá sa isang mapanglaw na pook upang mamu-hay nang tahimik at relihiyoso 2: sinumang namumuhay nang hiwalay o malayò sa iba
-e•ro : pambuo ng pangnga-lan at nagpapahiwatig ng propesyon, tungkulin, o trabaho, -e•ra kung babae, hal biyahero, biyahera, kahero, kahera
erogenous (í•ro•dyí•nus) 1: madalîng makaramdam ng seksuwal na pagnanasà 2: nagdudulot ng seksuwal na pagnanasà o pananabik
e•ró•ti•kó : nagdudulot ng seksuwal na pag-ibig, lalo ang pumupukaw ng seksuwal na pag-nanasà o pananabik
e•ro•ti•sís•mo 1: katangian o kalikasang erotiko 2: paggamit o tugon sa erotikong hulagway o estimulasyon
erotomania (i•ró•to•méy•nya) 1: labis o abnormal na erotikong pagnanasà 2: pagkalulong sa seksuwal na pagnanasà