erythromycin (e•rít•ro•máy•sin) : antibiyotikong gamot sa impeksiyong hindi káyang lunasan ng penisilin
-es 1: pambuo ng anyong maramihan ng pandiwang katawanin na nagtatapos sa titik s, z, ch, sh, at y,hal passes, buzzes, pitches, studies 2: pambuo ng anyong maramihan ng pangngalang nagtatapos sa titik s, z, ch, sh, y, f, at v, hal riches, masses, babies
escape clause (is•kéyp klos) : sugnay na nagtatakda ng mga kondisyon upang makalayà sa anumang obligasyon ang nakakontratang partido
escapism (is•key•pí•zim) : pagnanasà o tendensiyang tumakas sa pangit na realidad sa pamamagitan ng dibersiyon o pangangarap nang gisíng
escheat (es•tsít) : pagbabalik sa pamahalaan ng pagma-may-ari ng propyedad ng yumao kapag walang sinumang kalipikadong magmána nitó
escort (és•kort) 1: tao o sasakyan na umaalalay sa isang tao, sasakyan, at iba pa bílang seguridad o proteksiyon 2: konsórte1
escrow (és•krow) : salapi, ari-arian, o nakasulat na bond na pansamantalang itinatagò ng ikatlong partido hanggang matupad ang mga kahingian
escutcheon (es•kút•syon) 1: pansangga o rabaw na pansangga, karaniwan sa eskudo de-armas 2: palamuti o pansanggaláng, gaya sa hawakán ng pinto, paligid ng bútas ng kandado, at iba pa 3: plaka para sa pangalan o inskripsiyon
Esdras (éz•dras) : alin-man sa dalawang aklat ng Apokripa, naglalamán ang una ng kalipunan ng Chronicles, Nehemiah, at Ezra, at ng anghelikong rebelasyon ang ikalawa