• es•drú•hu•lá

    1. :
      salita na may diing mariin sa pantig na pangatlo mula sa hulí
  • -ese (iz)

    1. :
      pambuo ng pang-uri at pangngalan na nangangahulugan ng wika o mamamayan ng isang bansa o siyudad, dili kayâ’y mapang-aglahing katauhan o estilo, hal Japanese, legalese
  • é•se

    1. :
      tawag sa titik S sa alpabetong Espanyol
  • e•sen•si•yál

    1. 1:
      sadyang kailangan
    2. 2:
      may katangian ng batayan
    3. 3:
    4. 4:
      bumubuo ng esensiya ng tao o bagay
  • e•sép•ti•kó

    1. 1:
      hindi madalîng maniwala; mapagduda
    2. 2:
      nagdududa sa mga doktrina o turo ng simbahan o relihiyon
  • e•sép•ti•sís•mo

    1. 1:
      diin sa alinlangan1,2 o pag-aalinlangan
    2. 2:
      hindi paniniwala sa mga doktrina ng simbahan o aral ng relihiyon
  • e•sí•la

    1. 1:
      haláman (genus Scilla) na may bughaw at malabituin na bulaklak
    2. 2:
      a haláman (Drimia maritima) na tumutubò sa tabíng-dagat, may putîng bulaklak, at may malakíng ulo na hugis bombilya b katas ng naturang ulo, ginagamit na gamot sa ubo at iba pang sakít
    3. 3:
      crustacean (genus Squilla) na hugis hipon
  • e•sis•yón

    1. 1:
      pagkakapangkat o paghahatì dahil sa paniniwala, relihiyon, at katulad
    2. 2:
      alinman sa pangkat o sekta na nabuo dahil sa pagkakaiba ng paniniwala
    3. 3:
      kasalanan o pagkakasála na lumikha ng pagkakawatak-watak ng mga kasapi ng iglesya o simbahan
  • és•ka•bét•se

    1. :
      putahe ng isda na may sukà at asukal, may lasang manamis-namis na maasim-asim
  • es•ká•la

    1. 1:
    2. 2:
      proporsiyonal na súkat sa mapa, plano, at katulad
    3. 3:
      pagkakaayos ng nota ayon sa tono, maaaring asendente o desendente
    4. 4:
      gamit o instrumento na may marka o guhit, ginagamit na pansúkat, at iba pa
    5. 5:
      paghinto ng bapor o anumang sasakyang-dagat upang umiwas sa panganib
  • es•ka•lé•ra

    1. 1:
      hagdán o hagdánan1
    2. 2:
      sa sugal, ang magkakasunod na bílang ng magkakaparehong uri ng baraha o pitsa
  • es•ka•le•ríl•ya

    1. :
      bangkito na may nakakabit na mga baitang, karaniwang naitutupi sa ilalim nitó, at ginagamit na tuntúngan