Diksiyonaryo
A-Z
ABCDEFGHIJKLMNÑNgOPQRSTUVWXYZ

<< 67686970717273 >>
  • EST (i•es•ti)

    daglat | [ Ing ]
    1. :
      Eastern Standard Time
  • es•ta•bi•li•dád

    png | [ Esp ]
    1. :
      tatág
  • es•tá•ble

    pnr | [ Esp ]
    1. :
      matatág
  • establishment (is•táb•lish•mént)

    png | [ Ing ]
    1. :
      establisimyénto
  • establishmentarian (is•táb•lish•men• tár•yan)

    png | [ Ing ]
    1. :
      tao na ipinaglalaban ang pagkakatatag ng iisang simbahan bílang opisyal na relihiyon ng estado
  • es•ta•bli•sim•yén•to

    png | [ Esp ]
    1. 1:
      pagtatatag
    2. 2:
      kalagayan ng pagkakatatag
    3. 3:
      anuman na naitatag o itinalagang sistema
    4. 4:
      naghaharing rehimen at iba pang nása kapangyarihan
    5. 5:
      namumukod na pangkat sa isang larangan o organisasyon
    6. 6:
      opisina o pook ng komersiyo
    7. 7:
      mga institusyong panlipunan
  • es•tá•blo

    png | [ Esp ]
    1. :
      kuwádra
  • es•ta•dís•ta

    png | Pol | [ Esp ]
    1. 1:
      tao na dalubhasa sa pangangasiwa ng pamahalaan
    2. 2:
      tao na may pinakamataas na uri ng kakayahan sa pamamatnugot sa mga gawaing pampamahalaan, at sa pangangasiwa sa mahahalagang suliraning pangmadla
  • es•ta•dís•ti•ká

    png | [ Esp estadisticá ]
    1. 1:
      agham tungkol sa pagtitipon, paguuri-uri, at paggamit ng mga biláng na datos tungkol sa isang paksa o bagay
    2. 2:
      mga datos na biláng
  • es•ta•dís•ti•kó

    png | [ Esp estadistico ]
    1. :
      tao na dalubhasa sa estadistika
  • es•tá•do

    png | [ Esp ]
    1. 1:
      katayuan
    2. 2:
      posisyon o ranggo sa búhay
    3. 3:
      pangkat ng mga tao na nabubúhay sa isang tiyak na pook at may malaya at nagsasariling pamahalaan
    4. 4:
      isang tiyak na teritoryo sa loob ng isang pamahalaang federal, hal Texas sa Estados Unidos
  • Es•tá•dos U•ní•dos

    png | [ Esp ]
    1. :
      United States
  • es•tád•yo

    png | [ Esp estadio ]
    1. :
      istádyum
  • es•tá•ka

    png | [ Esp estaca ]
    1. :
      túlos
  • es•ta•ká•da

    png | Mil | [ Esp estacada ]
    1. 1:
      tanggulang napaliligiran ng mga nakatirik na poste o pilote
    2. 2:
      bilangguang militar
  • es•ta•lag•mí•ta

    png | Heo | [ Esp ]
    1. :
      stalagmite
  • es•ta•lak•tí•ta

    png | Heo | [ Esp estalactita ]
    1. :
      stalactite
  • es•tám•bre

    png | [ Esp ]
    1. 1:
      sinulid na mabalahibo
    2. 2:
      stamina
  • es•ta•mén•ya

    png | [ Esp estameña ]
    1. :
      isang matibay na uri ng hinabing tela
  • estaminet (es•tá•mi•néy)

    png | [ Fre ]
    1. :
      bistro o maliit na kapihang nagsisilbi ng alak
<< 67686970717273 >>