es•pi•rit•wa•lís•mo 1: paniniwala na maaaring kausapin ng patáy ang buháy kung mayroong tagapamagitan 2: doktrina na pangkaluluwa ang ubod ng realidad
és•pi•yo•ná•he 1: paniniktik 2: paggamit ng tiktik o espiya ng isang pamahalaan upang alamin ang mga lihim ng ibang bansa
es•póng•ha 1: malambot at tíla piyeltrong may palamán o anumang kauri nitó, bilóg ang hugis, at ginagamit sa pagpupulbos 2: mababàng uri ng hayop dagat sa phylum Porifera na may katangiang sumipsip ng tubig
és•pon•sá•les : seremonyang kaugnay ng pagpapahayag ng pagiging magkatipan at napipintong pagpapakasal
és•pon•tá•ne•ó 1: likás1 2: ayon sa sariling kusa o kagustuhan 3: mabilisan, gaya sa mabilisang sagot