es•te•ri•li•sa•dór 1: kasangkapan o pamamaraan upang ang isang bagay ay mawalan ng dumi, bakterya, o mikrobyo 2: kasangkapan o pamamaraan upang mawalan ng kakayahang bumúhay ng haláman ang isang lupain
es•te•rí•li•sas•yón 1: paraan upang ang isang bagay ay mawalan ng bakterya o ibang buháy na organismo 2: paraan upang ang isang tao o hayop ay mawalan ng kakayahang magkaanak, karaniwang sa pamamagitan ng pagtanggal o pagbabará sa organong pangsex
es•té•ro 1: daluyan ng tubig na pinagtatagpuan ng taog at ng ilog 2: malakíng kanal, malimit iugnay sa barado, maputik, at mabahòng daluyan
es•té•ti•ká 1: a sangay ng pilosopiya na nagbubuo ng simulain at pamantayan ng kagandahan sa sining at kalikasan b ang gayong teorya o simulain 2: teorya at paglalarawan ng emosyonal at intelektuwal na tugon sa kagandahan
és•te•tos•kóp•yo : instrumentong ginagamit ng doktor upang marinig ang tunog sa loob ng katawan, lalo na sa puso o bagà
Esther (és•ter) 1: sa Bibliya, Hudyong reyna ng Persiya at nagligtas sa mga Israelita 2: aklat tungkol sa kaniyang kasaysayan
es•tí•lo 1: pamamaraan sa pananamit, pamumuhay, o paggawâ ng isang bagay 2: sa sining, ang pamamaraan ng pagpapahayag
estimate (és•ti•méyt) 1: táya1 2: opinyon ukol sa personalidad ng isang tao o katangian ng isang bagay 3: ulat na naglalahad ng aabuting halaga ng isang gawain
estimated time of arrival (es•ti•méy• ted taym ov a•ráy•val) : sa paglalakbay, inaasahang oras ng pagdatíng