es•ti•yá•gan•sán•to : bendisyon na iginagawad ng pinagmamanuhan sa nagmamáno, nangangahulugang “Gawin kang santo ng Diyos.”
es•to•i•sís•mo : pilosopiya na naniniwala na higit na mataas ang karunungan at kabutihan sa anumang matinding damdamin gaya ng sayá, lungkot, at iba pa
és•top•pél 1: tuntunin na hindi maaaring patunayan o itanggi ang anumang taliwas sa naunang ginawâ o sinabi 2: legal na pagpigil sa katotohanan ng isang pahayag ng isang tao dahil sa kasalungat na nakaraang pahayag niya