és•tra•té•hi•kó 1: may kaugnayan sa estratehiya 2: binalak nang mabuti 3: angkop na angkop sa layunin 4: kung tao, mapamaraan2
es•tra•té•hi•yá 1: pagpaplano ng málakíhang kilos ng isang hukbo; sining ng digma 2: paggamit ng lansi o laláng upang magtagumpay sa nilalayon 3: kasanayan at kadalubhasaan sa pagpaplano ng anumang gawain o suliranin
és•tra•tig•ra•pí•ya : sangay na nauukol sa kaayusan at posisyon ng strata at mga posisyon ng saray ng lupa at ang kanilang ugnayan sa mga panahunang heolohiko
és•tra•ti•pi•kas•yón 1: pagpapatong-patong; pagsususón-susón 2: likás na estruktura at latag ng mga bató
es•trá•to 1: isang susón o pátong sa mga bagay na magkakasuson 2: ulap na mababà, mahabà, at kulay abo