family (fá•mi•lí) 1: mag-ának 2: ang pangunahing subdibisyon ng isang order o suborder sa klasipikasyon ng mga halaman, hayop, fungus, at iba pa, karaniwang binubuo ng iba’t ibang genus
fán•di né•dol : palda na yarì sa abaka, may iba’t ibang dekorasyon, at higit na makulay kaysa teduyung
fanfare (fán•feyr) 1: maikling musikang panseremonya na tinutugtog sa instrumentong brass, karaniwan upang ipakilála ang isang bagay o tao na mahalaga 2: maingay at magarbong kasayahan