fascicle (fá•si•kél) 1: bahagi ng isang aklat na inilimbag nang hiwalay 2: bungkós 3: bungkos ng mga fiber
fast 1: mabilis 2: angkop sa mabilis na kilos 3: mahigpit ang kapit, kabit, o talì 4: sa kulay, hindi kumukupas agad 5: sa potograpiya, nagpapahintulot ng maikling paglalantad sa liwanag
fastener (fá•sen•nér) : pang-ipit na gawâ sa plastik o metál, ginagamit sa pag-aayos o pagsasámasáma ng mga papel, dokumento, at katulad
fast food (fást fud) 1: mga pagkain na madalîng naihahanda o naisisilbi, karaniwan sa isang restoran 2: restoran na nagsisilbi ng ganitong pagkain
fatal (féy•tal) 1: nakamamatáy 2: nakapipinsalà 3: lubhang mahalaga 4: ukol sa kapangyarihan na nagtatakda ng mga pangyayari 5: ukol sa kapalaran
fatalism (fey•ta•lí•sim) : paniniwala na nakatakda ang lahat ng pangyayari at hindi maaaring baguhin ng tao; paniniwala sa kapalaran