fá•ngaw : basket na isinasakbat sa magkabilâng balikat, may mga hiblang nakasuson, at ginagamit sa paglalakbay
Faraday’s constant (fá•ra•déys kóns•tant) : kantidad ng karga ng elektrisidad na nása isang mole ng elektron (symbol F)
farce (fars) 1: mababaw at nakatatawang dula na nakabatay ang banghay sa mahusay na pagkakagamit sa sitwasyon sa halip na sa pagpapabuti sa papel ng tauhan 2: katatawanang ipinahayag sa gayong gawâ 3: katawa-tawang palabas
farm 1: búkid1 2: piraso ng lupang ginagamit sa pag-aalaga ng mga hayop 3: tubigang pinag-aalagaan ng isda, talaba, at katulad