- greeting (grí•ting)png | [ Ing greet+ing ]1:pagbatì; pagpupugay2:mga salita, galaw, at iba pa na ginagamit sa pagbatì
- Gregorian (gre•gór•yan)png | [ Ing ]:may kaugnayan sa isa sa mga paring may pangalang Gregory, lalo na kay Pope Gregory I o kay Pope Gregory XIII
- Gregorian calendar (gri•gór•yan ká•len• dar)png | [ Ing Lat Gregorianus ]:kalen-daryong sinimulan ni Pope Gregory XIII noong 1582, kasalukuyang ginagamit sa maraming bansa, at nagtatakda ng 365 araw sa bawat karaniwang taon at 366 araw sa bawat leap year
- Gregorian chant (gri•gór•yan tsant)png | Mus | [ Ing Lat Gregorianus ]:himig na ginagamit sa mga ritwal ng sim-bahang Katoliko Romano at isinu-nod sa pangalan ni Pope Gregory I
- grém•yo (grém•yo)png | [ Esp gremio ]:kapisanan ng mga tao batay sa dugo, lahi, o gawain
- grenadier (grí•na•dyír)png | [ Ing ]1:2:uri ng isda (family Macrouridae), habâ ang katawan at tulís ang buntot, at nagliliwanag ang katawan kung nagagambala
- Grés•yapng | Heg | [ Esp Grecia ]:isa sa mga bansa sa timog-silangang Europa
- greyhound (gréy•hawnd)png | Zoo | [ Ing ]:mataas at balingkinitang uri ng áso na may malinaw na paningin at may kakayahang tumakbo nang napakatulin
- gridiron (gríd•ay•rón)png | [ Ing ]1:lutuán na yarì sa metal at ginagamit sa pag-iihaw o pagpapakulo2:ba-langkas sa entablado na umaalalay sa mga kortina3:palaruan ng futbol
- gridlock (gríd•lak)png | [ Ing ]:buhol-buhol na daloy ng trapiko sanhi ng mahabàng hanay ng magkakasalu-ngat na mga sasakyan
- griffin (grí•fin)png | Mit | [ Ing ]:nilaláng na may ulo at pakpak ng banog at katawan ng leon
- grille (gril)png | [ Ing ]:rehas na gina-gamit bílang partisyon o proteksiyon tulad ng rehas sa bintana