gross (grós) 1: a bundát b Alp napakatabâ 2: groséro 3: hindi kaaya-aya; kasuklam-suklam 4: buo at walang báwas
gró•to 1: munti at kahali-halinang kuweba 2: artipisyal na kuweba, karani-wang nása liwasan o malawak na hardin
ground (gráwnd) 1: rabaw ng daigdig 2: substance sa rabaw ng daigdig 3: motibo, batayan, o dahilan para sa isang kilos o pasiya 4: pook para sa natatanging gamit 5: batayan ng kasunduan 6: koryenteng nararamdaman kapag hinipo ang isang bagay na may elektrisidad
group (grúp) 1: pangkát 2: dalawa o higit pang-atom na may espesipiko o tiyak na ayos, tulad ng hydroxyl group, , OH
grouper (grú•per) : ma-lakíng isdang-alat (family Serranidae) na may malakíng ulo at malapad na bibig
grouse (graws) 1: ibon (family Tetraonidae) na malakí at bilugán ang katawan at mabalahibo ang binti 2: lamán o karne nitó
grunge (grands) 1: anumang dumi o dungis 2: estilo ng tug-tuging rock na sinasaliwan ng ma-ingay na gitara at sinadyang walang latoy na pag-awit