hip•híp 1: sinasadyang malalim na paghinga 2: pag-inom sa pamamagitan ng kasangkapang gaya ng bangsi 3: súhol1,2.
hip hop (híp háp) 1: estilo ng popular na musika na nag-tatampok sa 2: subkulturang iniu-ugnay sa ganitong musika, kabílang na ang grafiti, breakdancing, at katu-lad.
hi•pík 1: pagtaas at pagbabâ ng tiyan dahil sa paghinga 2: ma-rahang paghawak sa sinuman 3: pag-hinto sa isang pagkakataon upang makinig sa anumang sinasabi.
hí•pon : alinman sa marami at maliliit na dekapodong crustacean (Crangon vulgaris) na may makitid, pahabâng katawan, at nababálot ng talukab, siksik na tiyan, at patulis na ulo
hí•pong bú•lik : uri ng sugpo (Penaeus semisulcatus) na umaabot sa 25 sm ang habà at 130 gm ang bigat, karaniwang matatagpuan sa dagat
hí•pong pu•tî : uri ng hipon (Penaeus indicus) na may habàng 14 sm at bigat na 35 gm, kulay abuhin, at karaniwang nalalambat sa baybayin