hippopotamus (hí•po•po•tá•mus) : malakí at matabâ na mammal (genus Hippopotamus) na may makapal na balát at mahilig mamalagi sa tubigán.
hippy (híp•pi) : noong dekada 60, tao na hindi ordinaryo ang itsura, tipikal na mahabà ang buhok, naka-maong, nagdodroga, at nagrerebelde laban sa mga kinamulatang halaga-han o asal
hi•ra•lâ 1: pagkatuto ng aral o leksiyon dahil sa malungkot na karanasan at pangakong hindi na ito gagawin pang muli 2: pakiramdam ng pagkadalâ sanhi ng malungkot na pangyayari at may pagnanais na iwasang maulit yaon
hi•ral•díl•ya 1: maliit na hiralda 2: sayaw Astur-yano na nakilála sa Maynila noong panahon ng Espanyol.
hi•rá•man 1: sitwas-yong maaaring magkapalitan o magka-gamitan ng kasangkapang personal 2: tao na hinihiraman.
hi•rán•du•lá : estilo ng hikaw na may maliliit na mga hi-yas at nakakabit nang palibot sa higit na malakí.