Diksiyonaryo
A-Z
A
B
C
D
E
F
G
H
I
J
K
L
M
N
Ñ
Ng
O
P
Q
R
S
T
U
V
W
X
Y
Z
<<
99
100
101
102
103
104
105
>>
Hin•tô!
:
Tigil!
hin•tód
:
atras-abanteng galaw ng baywang sa paglalakad ng isang pilay o lumpo
hin•tù•an
:
anumang pook na tinitigilan ng sasakyan
hin•túng•dan
:
dahilán.
hin•tu•tu•bí
:
uri ng malakíng tutubi (Libellula lydia).
hin•tu•tu•rò
:
daliring ginaga-mit sa pagturò, nása pagitan ng hinla-lakí at hinlalatò
hî-nú•bay
:
gayuma sa pag-ibig.
hi•nu•bí•gon
:
pánubi-gán.
hi•nu•bò
1:
patong o dagdag na interes
2:
karagdagang tubò o kíta hábang nagkukunwaring lugi
hi•núd•law
:
dápithápon.
hi•nú•gay
:
payapain ang mga nag-kakagulo.
hi•nu•hà
:
hatol, pasiya, opinyon, o palagay na ginawâ batay sa mga katibayan at pangangatwiran
hí•nu-hí•nu
:
pagkakaroon ng kulay balangáw; nagbabalangáw.
hi•nú•hod
:
pagbibigay ng pahin-tulot; pagpayag.
hi•nu•hós
:
paglala-gay ng isang bagay nang paayon.
hi•nu•kâ
:
pagkain dito at doon ng inahin.
hi•nu•kó
1:
alisin ang mga húli na nása lambat
2:
putulin ang mga hu-mabàng kuko.
hi•nú•kod
:
tíkas
1
hi•nu•lá
:
pasâ o peklat na nana-natili mula sa pagkabugbog.
hi•nu•lí
:
pag-aalis ng tutulí.
<<
99
100
101
102
103
104
105
>>