hu•ták : mahabàng tunog ng isang bagay na hinugot mula sa isang masikip subalit madulas na posisyon, gaya ng paang nalubog sa putik at biglang hinugot
hút•ba : sermon ng Islam o talumpating panrelihiyon na karaniwang isinasagawâ tuwing Biyernes sa masjid.
hú•tok 1: pagbaluktot ng isang bagay dahil sa bigat 2: pagkontrol sa isang tao bílang paggabay 3: pat-núbay1 4: pagkakaroon ng arkong hugis o ang katulad na pagtaas ng kilay.