ha•ngá•lay : maliit na punongkahoy (Ceriops decandra) na hindi kalaguan at karaniwang nabubúhay sa gilid ng sapà o ilog
ha•ngár : palakpak na yarì sa isang biyas ng manipis na kawayang biniyak hanggang sa kalahatian ng habà
há•ngat 1: isang bagay na mas malaki at mas mataas 2: hindi maginhawang pakiramdam sanhi ng init o mainit na panahon.
hang•gá•han 1: dulo o wakas ng pag-iral o tinatahak 2: pook o yugto ng paghahati, lalo na sa teritoryo