Ha•núk•ka : walong araw na pista ng mga Hudyo bílang pag-gunita sa muling pag-aalay ng Tem-plo ng Herusalem pagkaraan itong sirain ni Antiochus ng Syria.
ha•nú•man 1: unggoy (Pres-bytis entellus), katutubò ng India at Sri Lanka na iginagálang ng mga Hindu 2: sa Hinduismo, banal na nilaláng na kahawig ng unggoy at may natatanging kapangyarihan.
Há•nu•nú•o 1: isa sa mga pangkating etniko ng Mangyan na matatagpuan sa timog Oriental Mindoro 2: tawag din sa wika nitó.
ha•nút : uri ng malambot na kahoy, may magandang dilaw na bulaklak at ginagamit ang himaymay bílang pantali.
há•ol-há•ol : isdang-alat (Sardinella brachysoma) na kauri ng maliliit na sardinas, kulay bughaw at berde
há•on : pangwakas na yugto sa paggawâ ng asukal, ibinubuhos sa batya ang kumukulông syrup at sakâ hahaluin ng pála hanggang sa matuyô ang likido at maging butil ng asukal.