• hang•gód

    1. :
      haláman (Achy-ranthes aspera) na magaspang, na-katayô, at madálang ang sanga na may matitigas at mahahabàng tinik
  • háng•gup

    1. :
      ibabad sa inasnang tubig ang kanin, maaaring dagdagan ng hiwa ng kamatis.
  • há•ngig

    1. :
      marinig, lalo na ma-rinig nang hindi sinasadya.
  • há•ngin

    1. 1:
      halò ng mga gas na bumabálot sa daigdig at nagsisilbing atmospera nitó
    2. 2:
      espasyong nakapalibot at nása iba-baw ng rabaw ng daigdig
    3. 3:
      ang simoy na dumadampi sa lahat ng bagay
  • há•ngis

    1. :
      pagiging mapurol ng isang patalim
  • hang•káb

    1. :
      kagat ng áso o malakíng hayop.
  • hang•káw

    1. :
      malalakíng hak-bang, halos tinatalon ang mga naka-harang sa dinadaanan.
  • hang•kít

    1. :
      anyayahan ang isang tao upang kumain.
  • hang•láy

    1. 1:
      lasa na alangang maasim at mapakla
    2. 2:
      amoy na nagmumulâ sa lungtiang priholes.
  • Hang•lú•lu

    1. :
      isa sa mga wika ng mga Ifugaw.
  • ha•ngò

    1. 1:
      pag-aahon o pag-aalis ng niluluto sa kalan
    2. 2:
      pag-ahon mula sa hirap
    3. 3:
      paghalaw mula sa isang akdang pampanitikan
    4. 4:
      pakikinabang sa bunga ng isang bagay
    5. 5:
      pang-uring hangò.
  • há•ngol

    1. :
      bagay o materyales na kailangang-kailangan
  • há•ngos

    1. 1:
      híngal
    2. 2:
      pagmamadalî maging sa pagsalita, sa pagkilos, o sa paggawâ.
  • hang•ó•ver

    1. :
      labis na sakít ng ulo o iba pang epekto ng sobrang pag-inom ng alak