- i•bá•yopnr:doble o ilang ulit na nakahihigit, hal ibayo ang tindi
- ib•bóngpng | [ Ilk ]:bugók na itlog
- Iberia (i•bér•ya)png | Heg | [ Esp ]:peninsula sa timog kanlurang Europa na binubuo ng Espanya at Portugal
- ibex (áy•beks)png | Zoo | [ Ing ]:alinman sa mga ilahas na kambing (genus Capra) na may mahabà at kurba-dong sungay, at matatagpuan sa ka-bundukan ng Asia, hilagang Africa, at Europa
- í•bid,daglat | [ Ing Lat ibidem “mula sa iisang pook” ]:mula sa katulad na sanggunian, ginagamit upang makati-pid sa espasyo sa mga sanggunian ng isang siniping akda na nabanggit na sa naunang sanggunian
- í•bigpng1:tao o bagay na napili, kasiya-siya, o tumutugon sa hilig at damdamin2:bagay na tinatangkang maabot o makamit3:tao na itinatangi o tuon ng matinding pagtatangi4:
- i•bi•gánpng | [ ibig+an ]:pagpapakíta ng pagmamahal sa isa’t isa
- í•bilpng | Mus | [ Kal ]:awit ng isang namatayan, karaniwang nauukol sa kapayapaan ng kaluluwa at paghingi ng tulong at patnubay para sa namatay
- -ibility (i•bí•li•tí)pnl | [ Ing ]:pambuo ng mga pangngalan na kaayon ng mga pang-uri sa anyong -ible, hal possibility, credibility
- I•bi•lóypng | Ant Lgw:varyant ng Ibalóy2
- ibis (áy•bis)png | Zoo | [ Ing ]:ibon (family Threskioruithidae) na malakí, mahabà, at nakakurba ang tuka, at mahabà ang leeg at paa
- i•bíspng1:pagbabâ mula sa sasakyan2:3:pagtulong sa pagbabâ ng sunong o pasan4:kaginhawahan mula sa anumang kahirapan