ibuprofen (ay•byú•pro•fén) : putîng pulbos na substance (C13H18O2) na pampamanhid at pampaalis ng lagnat o pamamaga ng sugat
-ic (ik) 1: pambuo ng pang-uri, hal classic, public, at pangngalan, hal critic, epic 2: nagpapahiwatig na may higit na mataas na kalagayan ng valency o oxidation sa anyong -ous ng salita na kaayon nitó, hal ferric, sulphuric 3: nangangahulugan ng isang partikular na anyo o halim-bawa ng pangngalan sa anyong , ics, hal aesthetic, tactic
-ical (i•kál) 1: pambuo ng pang-uri na kaayon sa pangngalan o pang-uri, karaniwan sa anyong -ic, hal classical, comical 2: pambuo ng pang-uri na kaayon ng mga pang-ngalan sa anyong , y, hal pathological
-ically (i•kal•lí) : pambuo ng pang-abay na kaayon ng mga pang-uri sa anyong -ic o -ical, hal musically, comically
Icarus (í•ka•rús) : anak ni Daedalus na tumakas mula sa labe-rinto sa pamamagitan ng paglipad, ngunit bumagsak at namatay nang matunaw ang pakpak na allid dahil sa tindi ng sikat ng araw