- ice creamer (áys krím•er)png | [ Ing ]:kasangkapang ginagamit sa paggawâ ng sorbetes
- ice drop (áys drap)png | [ Ing ]:mina-tamis na yelong may pampalasa, pampakulay, at hawakang patpat
- ice hockey (áys há•ki)png | Isp | [ Ing ]:nilalaro sa sahig na yelo, paligsahan ng dalawang pangkat na binubuo ng tig-aanim na iskeyter na nagtatang-kang magpasok ng maliit na gomang disk sa goal sa pamamagitan ng pamalò
- icepick (áys•pik)png | [ Ing ]:metál na matulis at ginagamit sa pagbiyak o pagpiraso ng yelo
- ice skating (áys skéyt•ing)png | Isp | [ Ing ]:pag-iskeyt sa sahig na yelo
- I Ching (it•síng)png | [ Ing ]:sinaunang manwal ng mga Tsino na gumagamit ng mga simbolo na tinatawag na walong trigram at animnapu’t apat na hexagram, at nagpapakahulugan ng mga prinsipyo ng yin at yang
- ichnography (ik•nó•graf•í)png | [ Ing ]:plano ng gusali o mapa ng isang rehiyon
- ichthyosis (ík•ti•ów•sis)png | Med | [ Ing ]:sakít sa balát na sanhi ng pagkatuyô at pangangaliskis nitó
- -ician (í•syan)pnl | [ Ing ]:pambuo ng pangngalan, karaniwan sa mga tao na tagapagtaguyod, hal musician, geometrician
- icicle (áy•si•kél)png | Heo | [ Ing ]:yelo na nakabitin at hugis kandila, nabuo mula sa tumigas na mga patak ng tubig
- icing (áy•sing)png | [ Ing ]:ang pagha-handa, gaya ng asukal, mantekilya, katas ng vanilla, at iba pa, para ipambálot sa panlabas na bahagi ng keyk, cookie, at iba pa
- -icist (i•síst)pnl | [ Ing ]:-ician, hal physicist, publicist
- -icity (í•si•tí)pnl | [ Ing ]:pambuo ng abstraktong pangngalan mula sa mga pang-uri sa anyong -ic, hal authenticity, publicity
- -icle (i•kél)pnl | [ Ing ]:pambuo ng mga pangngalan, karaniwang nása maliit na anyo, hal article, particle
- iconoclasm (ay•kón•o•kláz•em)png | [ Ing ]1:pagwasak sa mga imahen2:marahas na pagbatikos sa mga hálagáhan