-ide (ayd) : pambuo ng pangngalan na tumutukoy sa a mga binary compound ng isang element, hal sodium chloride, calcium carbide b iba’t ibang compound, hal amide, peptide c mga element ng serye sa periodic table, hal activide, lanthanide
i•de•a•lís•mo 1: paglikha ng mga bagay na ideal o ang pamumu-hay na ang mga ito ang sinusunod na gabay 2: representasyon ng mga ideal na bagay
idem (í•dem, áy•dem) 1: talababa, salita, o manunulat na nabanggit na 2: matatagpuan sa manunulat na naunang sinipi sa papel
i•den•ti•dád 1: kaakuhán 2: pagkatáo 3: kalagayan ng pagiging magkatulad, gaya sa kalikasán o kalidad
identification card (ay•dén•ti•fi•kéy• syon kard) : bagay na pagkakakilanlan, karaniwang gawá sa karton, at nakalamineyt
i•den•ti•pi•ká 1: kilalanin; patunayan ang identidad 2: iugnay 3: pumilì ng isang bagay sa pamamagitan ng pagsusuri
i•den•tí•pi•kas•yón 1: pagkilála o paraan ng pagkilála 2: bagay na nagpapakilála, hal identification card 3: pakikiisa ng damdamin sa kalagayan ng ilang tao o pangkat ng mga tao
identity (ay•dén•ti•tí) 1: identidád 2: tumbásan na nananatiling totoo sa lahat ng value ng mga variable na taglay nitó
identity crisis (ay•dén•ti•tí kráy•sis) : pagkalito sa paghihirap ng indibidwal na tukuyin ang kaniyang papel na gagampanan sa lipunan at ang angkop na pagtuturing sa sariling pagkatao