ins•tru•mén•to 1: kasangká-pan1-3 2: tao o anumang bagay na ginagamit sa pagsasagawâ ng kilos o layunin
in•su•lár 1: hinggil sa pulo 2: walang pakialam sa ibang kultura, tao, at iba pa na labas sa kaniyang karanasan; makitid ang isip 3: noong panahon ng Espanyol, mama-mayang may dugong Espanyol ngunit isinilang sa Filipinas
insulate (ín•su•léyt) 1: pi-gilin ang daloy ng elektrisidad, init, o tunog sa pamamagitan ng pagla-lagay ng harang o hadlang 2: ibukod
ín•su•lín : hormone na nalilikha sa lapay at nagsasaayos sa metabolismo ng glucose at iba pang carbohydrate
insure (in•syúr) 1: tiyakin ang paghuhulog ng takdang halaga bílang paghahanda sa posibleng pagkawala o pagkapinsala ng ari-arian o búhay sa pamamagitan ng regular na pagbabayad ng premium 2: tiyakin ang kaligtasan ng isang bagay o ng sarili mula sa panganib