ín•tu•wis•yón 1: tuwirang pagkamálay sa katotohanan nang hindi umaasa sa anumang katwiran 2: katotohanan na namalayan sa ganitong paraan
inulin (áy•nu•lín) : polysaccharide na putî, walang lasa, hindi nadudurog, at nagaganap karaniwan sa starch ng haláman at iba pang bungang-ugat ng haláman
i•nú•mang-ká•law : baging (Nepenthes alata) na may tatlong anggulong tangkay at may hugis pitsel na bahagi na mamulá-mulá sa labì at lungtian hanggang sa puwitan, isa sa labin-dalawang species ng Nepenthes na katutubò sa Filipinas
i•nú•min 1: likidong nakapapawi ng uhaw at hindi naka-lalasing 2: anumang uri ng tinimplang katas ng bungangkahoy o pampalasa 3: alak at ang mga kauri nitó
i•nú•nan : bilóg na bahagi ng sinapupunan ng buntis na mammal at ginagamit sa pagpa-pakain ng sanggol, lumalabas ito sa sinapupunan sa pagsilang ng sang-gol