intramural (intramural) 1: nilalahukan ng mga kinatawang nagmula sa iisang paaralan, hal palarong intramural 2: matatagpuan o ginagawâ sa pook na naliligid ng mga pader o dingding
In•tra•mú•ros : ang unang siyudad ng Maynila na ligid ng pader o moog, at sentro ng kolon-yalismong Espanyol sa Filipinas
intra uterine device (ín•tra yu•te•rín de•váys) : instrumen-tong kontraseptibo na inilalagay sa uterus
in•trí•ga 1: pakana o líhim na paninirang-puri sa kapuwa 2: anumang naka-pupukaw ng interes patungkol sa naiiba o pambihirang sitwasyon
ín•tro•duk•si•yón 1: pagpapakilála 2: panimula 3: ang pangunang bahagi ng piyesa sa musika na karaniwang naiiba sa pangunahing bahagi