interregnum (ín•ter•rég•num) 1: panahon sa pagitan ng pagpapalit ng pamahalaan, rehi-men, o pinunò 2: pagtigil o patlang sa isang gawain o proseso
interrogatory (ín•te•ró•ga•tó•ri) 1: pormal na listahan ng mga tanong 2: katanungan na ini-handa para sa akusado
ín•ter•ses•yón : ang pagkilos upang mamagitan para sa kapakanan ng iba o kayâ ang pagdarasal para sa kapakanan ng ibang tao
ín•ter•vál 1: panahon o puwang na pumapagitan 2: sandaling hinto o pagtigil, lalo na sa mga pagtatanghal 3: ang pagkakaiba sa tono ng dalawang tunog