jelly fish (jé·li fis)
png |Zoo |[ Ing ]
:
pangkalahatang tawag sa lamandagat sa class Scyphozoa at kinabibilangan ng dikya at salabay.
jép·roks
png |Kol |[ Tag Ing project ]
:
uso o moda ngunit kakatwa o kakaiba ang paraan lalo na sa pananamit.
jeremiad (je·re·má·yad)
png |[ Ing Fre jerémiade ]
:
pamimighati na may sangkap na sumbat at sakdal, batay sa ganitong uri ng pahayag ni Jeremiah sa Lumang Tipan Cf LAMENTASYÓN
Jeremias (he·rem·yás)
png |[ Esp Heb ]
:
sa Bibliya, pangunahing propeta na nakahula sa pagbagsak ng Assyria at Israel, at sa labanáng magaganap sa Ehipto at Babilonia ; isa sa mga Kapitulo : JEREMIAH
jerez (he·réz)
png |[ Esp ]
:
uri ng sherry, isinunod sa pangalan ng bayan ng Jerez na bantog sa pagiging sentro ng paggawâ ng alak.
Jerico (hé·ri·kó)
png |[ Esp Heb ]
:
sa Bibliya, bayan sa Palestina na sinakop ng mga taga-Israel : JERICHO
jersey (jér·si)
png |[ Ing ]
1:
tela na gawâ sa pinagkabit-kabit at pinagbuhol-buhol na hibla
2:
damit o kamisetang gawâ sa telang ito
3:
Zoo
uri ng báka na mapusyaw na kulay kape.
Je·rú·sa·lém
png |Heg |[ Ing ]
:
banal na lungsod ng mga Hudyo, at maging sa mga Krtistiyano at Muslim, matatagpuan sa mga buról ng Judea, 30km mula sa Ilog Jordan : Herusalém
Jesus (he·sús, jí·zus)
png |[ Esp Ing ]
:
sa Kristiyanismo, ang pinaniniwalaang anak ng Diyos Ama at tumubos sa kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng pagkamatay sa krus : CHRIST,
CRISTO1,
JESUCRISTO,
JESUS,
JESUS CHRIST,
NAZARENO1,
PRINCE OF PEACE
jet
png |[ Ing ]
:
pagsirit ng likido, gas, o sólidong particle mula sa makipot na lagúsan.
jeté (zhe·téy)
png |Say |[ Fre ]
:
sa ballet, paglukso na nása harap ang isang binti at nása likod naman ang isa.
jet lag
png |[ Ing ]
:
paninibago ng katawan pagkaraan ng mahabàng paglalakbay sakay ng eroplano.
jet plane (jet pleyn)
png |Aer |[ Ing ]
:
uri ng eroplanong pinasisibad ng jet ng hangin.
jet set
png |[ Ing ]
:
mga tao na mahilig sa maluho o magastos sa paglalakbay.
jeu de mots (zhu de mó)
png |[ Fre ]
:
pilipit na salita.
jeu d’esprit (zho de·sprí)
png |[ Fre ]
:
pahayag na mapagbiro o nakatatawa.
jíb·ba
png |[ Ing Ara ]
:
mahabàng kápa na isinusuot ng mga laláking Muslim.
jig
png |[ Ing ]
1:
Say
uri ng mabilis at paindak-indak na sayaw
2:
Mus
tugtog sa sayaw na ito
3:
Psd kawil o isang set ng kawil na nakakabit sa artipisyal na páin ng pamingwit.
jigsaw puzzle (jíg·so pá·zel)
png |[ Ing ]
:
libangan sa pamamagitan ng pagbubuo ng ginupit na larawan o larawang hiwa-hiwalay.
jí·had
png |[ Ing Ara “sikap” ]
:
banal na pakikidigma ng mga Muslim.
jingle (jíng·gel)
png |[ Ing ]
2:
maikling kanta o tulang madalîng tandaan, karaniwang ginagamit sa radyo at telebisyon sa pag-aanunsiyo ng kalakal.
jingoism (jíng·gow·í·zem)
png |[ Ing ]
:
gawì o patakarang agresibo, gaya sa digmaan.
jín·jin
png |[ Iva ]
:
dingding na yarì sa kugon.
jinn (jin)
png |Lit Mit |[ Ing Ara ]
:
sa mitolohiyang Arabe at Muslim, isang matalinong espiritu na may mababàng ranggo kaysa mga anghel, may kakayahang lumitaw sa anyong hayop o tao, at may kapangyarihang mangibabaw sa katauhan ng tao Cf HÉNYO2
jipijapa (hi·pi·há·pa)
png |[ Esp ]
:
noong panahon ng Español, modang sombrero ng mga mayaman.
ji·ya·rí·ya
png |[ Mag ]
:
regalo para sa mahihirap, at mula sa mga tao na hindi nagpapakilála var giyaríya
Joan of Arc (jown of ark)
png |[ Ing ]
:
babaeng naging pinunò ng hukbong Frances sa Isang Daang Taóng Digmaan laban sa mga mga Ingles.
Job (hob, jowb)
png |[ Esp Ing ]
:
sa Bibliya, tao na naging tapat sa Diyos sa kabilâ ng dinanas na mga pag-subok ; isa sa mga Kapitulo.
jobber (jáb·ber)
png |[ Ing ]
1:
tao na namamakyaw
2:
tao na kaswal o pansamantala ang trabaho.
Job Control Language (jáb·kon·tról· láng·gu·wéyds)
png |Com |[ Ing ]
:
uri ng command sa paggawâ ng program Cf JCL
job order (jab ór·der)
png |[ Ing ]
:
listahan ng mga gawáin.
Jocasta (yo·kás·ta)
png |Mit |[ Gri ]
:
asawa ni Laius at ina na naging asawa ni Oedipus.
jockey (já·ki)
png |[ Ing ]
1:
Isp hinéte
2:
pang-ibabâng kasuotang panloob ng laláki.
jogging (já·ging)
png |[ Ing ]
:
ehersisyong mabilis na paglakad o katamtamang pagtakbo.
John Doe (jón dow)
png |Bat |[ Ing ]
:
Tal Fuláno.
joie de vivre (zwha de viv)
png |[ Fre ]
:
ligaya sa búhay.
join (joyn)
pnd |[ Ing ]
1:
magdugtong o pagdugtungin ; maghugpong o paghugpungin
2:
pag isahin ; pagsamahin
3:
umanib ; sumapi
4:
sumáma o makisáma
5:
sumali o lumahok.
joiner (jóy·ner)
png |[ Ing ]
1:
tao na tagahugpong ng mga bahagi ng muwebles
2:
Kol
tao na mahilig sumapi sa isang samahán.
joint (joynt)
png |[ Ing ]
1:
hugpóng ; hugpúngan
2:
3:
Ana
kasukasúan
4:
Kol
isang bálot ng marihuwana
5:
pook tagpuan o tambayan.
jojoba (ho·hó·ba)
png |[ Ing Esp ]
1:
Bot
laging-lungti na palumpong (Simmondsia chinensis ) o maliit na punongkahoy na may mga butil na napagkukunan ng langis
2:
ang langis mula sa naturang haláman at ginagamit sa paggawâ ng kosmetiko.
joker
png |[ Ing ]
1:
tao na mapagbiro, masiste, o mapagpatawá
2:
dagdag na baraha sa isang pakete.
Jolo (ho·ló)
png |Heg
:
kabesera ng Sulu.
jó·log
png |Kol
:
makabagong baduy.
Jonas (ho·nás)
png |[ Esp Heb ]
:
sa Bibliya, pinakabatàng propetang Hebrew na nilulon ng isang malakíng isda : JONAH
jongleur (zhóng·gler)
png |[ Fre ]
:
lagalág na mang-aawit.
Jordan (jór·dan, hór·dan)
png |Heg |[ Ing Esp ]
1:
Ilog Jordan
2:
isa sa mga bansa sa Gitnang Silangan.
Jose (ho·sé)
png |[ Esp Heb ]
:
sa Bibliya, anak ni Jacob, ipinagbili ng mga ka-patid upang maging alipin, at na-ging mataas na pinunò ng Egypt : JOSEPH
Joshua (jós·wá)
png |[ Ing Heb ]
:
sa Bibliya, kahalili ni Moises sa pagliligtas ng mga taga-Israel mula sa pagkaalipin ; ikaanim na aklat na tumatalakay sa labanán ng Canaan at sa pagkakahati ng Israel sa labindalawang tribu : JOSHUE
joss (jos)
png |[ Ing ]
:
imahen o larawan ng diyos ng mga Chino.
joss stick (jós is·tík)
png |[ Ing ]
:
patpat ng insenso.
jot (jat)
pnd |[ Ing ]
:
sumulat nang madalian.
jouissance (zhwí·sans)
png |[ Fre ]
:
pormal na aliw na pisikal o intelektuwal.
joule (jul)
png |Pis |[ Ing ]
:
yunit sa paggawâ o enerhiya (symbol J ).
journal (jór·nal)
png |[ Ing ]
1:
peryódikó o mágasín1
3:
Kom
sa pangangalakal, ang aklat ng mga arawang transaksiyon.
journey (jór·ni)
png |[ Ing ]
1:
paglalakbay nang matagal
2:
layò o tagal ng paglalakbay.
joyride (jóy·rayd)
png |Kol |[ Ing ]
:
pagsasayá hábang sakay ng behikulo.
Juan Pusong (hu·wán pu·sóng)
png |Lit Mit
:
pilyong tauhan sa kuwentong-bayan var Juan Usóng
Juan Tamad (hu·wán ta·mád)
png |Lit Mit |[ Esp Tag ]
:
tauhan sa kuwentong-bayan na nagiging tampulan ng katatawanan dahil sa katamaran : HUWÁN TAMÁD
jubilee (jú·bi·lí)
png |[ Ing Fre ]
1:
panahon ng pagsasayá : HUBILÉO
2:
pagdiriwang sa ika-25 o ika-50 anibersaryo : HUBILÉO
Judah (jú·da)
png |[ Ing Heb ]
:
sa Bibliya, pang-apat na anak na laláki ni Jacob ; Pol pinakamakapangyarihan sa labindalawang tribu ng Israel ; Heg dakong timog ng Palestina na sinakop ng tribu ni Judah.
Judas Iscariot (jú·das is·kar·yót)
png |[ Ing Heb ]
:
sa Bibliya, Húdas Eskaryóte.
Judeo Errante (hu·dé·o e·rán·te)
png |Lit |[ Esp ]
:
Wandering Jew1
Judges (jád·jiz)
png |Lit |[ Ing ]
:
Mga Hukóm.
Judgment Day (jádj·ment dey)
png |[ Ing ]
:
Ara
w ng Paghuhukóm.