ka•pís 1: uri ng kabibe (Placuna placenta) na may malukong, malinaw, at bilugáng takupis 2: bintana o anumang dekorasyong gawâ sa takupis ng kabibeng ito
ka•pi•sá•nan : kabuuan ng marami o ang pagsasáma-sáma ng mga tao sa ilalim at sa ngalan ng isang pana-nalig, simulain, at layon
ka•pís•ta : noong panahon ng Espanyol, estud-yanteng nagtatrabaho sa paaralan kapalit ng libreng pag-aaral
ká•pit 1: paghawak nang mahigpit, lalo na kung nása panganib o mahuhulog 2: dikít1 3: koneksiyon sa isang opisyal o makapangyari-han
ka•pi•ta•lís•mo 1: sistema o pamamaraan ng pribadong pamumuhunan o namumuhunan 2: kon-sentrasyon ng yaman sa kamay ng iilang tao o korporasyon na may kapangyarihan at impluwensiyang bunga ng gayong konsentrasyon
ka•pi•tán 1: noong panahon ng Espanyol, ang tawag sa gobernadorsilyo, ka•pi• tá•na kung babae 2: sa hukbong kapi-tán, karaniwang pinunò sa pagitan ng tenyente at ng koronel 3: pinu-nòng opisyal sa mga sasakyang-dagat 4: pinunò ng anumang pangkat o gawain
ka•pi•ta•ní•ya 1: opisina o ranggo ng kapitán 2: distrito o pook na pinangangasiwa-an ng kapitán 3: ang kontrol o kasanayán ng kapitán
Ka•pi•tán Ti•yá•go : Don Santiago de los Santos, tauhan sa Noli Me Tangere, isa sa pinakama-yaman sa San Diego at kinikilálang amá ni Maria Clara