ka•pa•si•dád 1: kakayahán 2: kakayaháng mag-imbak, tumanggap, o lumikha 3: pinakamalakíng kantidad na maaaring ilamán o isilid
ka•pá•si•ya•hán 1: pormal na pagpapahayag ng opinyon o intensiyon ng isang pormal na organisasyon, o lehislatura, karaniwang pagkaraang bumoto 2: pagpapasiya o pagpapatibay nitó
ka•pa•tás 1: tagapamahala ng mga kapuwa manggagawà 2: noong panahon ng Espanyol, opisyal sa bilangguan na nangangasiwa ng brigadang naglalamán ng 120 hanggang 160 na bilanggo