- ka•sa•ri•ánpng | [ ka•sa•ri•án ]1:pag-uuri sa mga salita alinsunod sa binabagayan ng sex o ang kawalan nitó2:katangi-an o kalagayan ng pagiging babae o laláki
- ka•sa•ri•áng pam•ba•bá•epng | Gra | [ ka+sari+an na pang+babae ]:kasa-riang kinabibilangan ng mga sali-tâng tumutukoy sa babae o sa mga bagay na itinuturing na babae
- ka•sa•ri•áng pam•ba•lá•kipng | Gra | [ ka+sari+an na pambalaki ]:salita na walang kasarian
- ka•sa•ri•áng pan•la•lá•kipng | Gra | [ ka+sari+an na pang+laláki ]:kasa-riang kinabibilangan ng mga sali-tâng tumutukoy sa laláki o sa mga bagay na itinuturing na laláki
- ka•sa•rin•lánpng | Pol | [ ka+sarili+an ]:kakayahang mabúhay mag-isa ng isang kapisanan, lipunan, o bansa, karaniwan dahil may malayang pamahalaan, sariling kabuhayan, at hindi nakapailalim sa ibang kapisa-nan, lipunan, o bansa
- ká•sawpng1:[ST] pagtatampisaw sa ilog na mababaw ang tubig2:[Ilk] hanay ng suson-susong dahong nipa o damong kugon at karaniwang ginagamit na bubong sa kubo
- ka•sa•wì•anpng | [ ka+sawî+an ]:isang hindi kanais-nais na kalagayan o pangyayari
- ká•saypng | [ ST ]1:pagligo nang matagal sa tubig2:uri ng punong-kahoy
- ka•sa•yá•hanpng | [ ka+saya+han ]:isang pagtitipon na masayá, karani-wan upang magdiwang sa isang mahalagang okasyon o isang tagum-pay
- ká•say•ká•saypng1:uri ng susul-bot (Halcyon chloris) na karaniwan ang lakí, may balahibo sa likod, ulo, at pakpak na naghahalò ang bughaw at lungtian, putî ang dibdib at tiyan at may tíla kuwelyong putî sa leeg. Sinasabing ito ang pinakamalimit makíta na susulbot sa buong bansa2:tao o hayop na naghahatid ng kamalasan
- ka•say•sá•yanpng | [ ka+saysay+an ka+salaysay+an ]1:[ST] paliwánag2:[ST] halagá1 o silbi ng anuman3:[Bik Hil Kap Seb Tag War] tuloy-tuloy at kronolohikong pagtatalâ ng mga pangyayaring may kabuluhan o pampubliko4:[Bik Hil Kap Seb Tag War] pag-aaral sa mga pangyayari ng nakalipas na panahon, lalo na ang mga kapakanang pantao5:[Bik Hil Kap Seb Tag War] kabuuang pagtitipon sa mga pag-unlad na nagdaan, kaugnay sa isang partikular na bansa, tao, bagay, at iba pa6:[Bik Hil Kap Seb Tag War] panahong nakalipas; ma-tandang panahon
- kasbah (kás•ba)png | [ Ing ]1:moog ng isang siyudad sa hilagang Africa2:sa Arabia, ang pook na malapit o nása paligid ng moog na ito
- kas•bángpng:pagluwang ng ilong, karaniwan kapag nagagálit o naka-amoy ng mabahò
- kas•bîpng:paghikbi matapos umi-yak
- ka•sé•rapng | [ Esp casera ]1:may-ari ng bahay-paupahan, ka•sé•ro kung laláki2:tao na umuupa ng tirahan3:báhay-paupahán
- ka•se•ró•lapng | [ Esp caserola ]:ka-sangkapang pangkusina na yarì sa aluminyo at pinaglalagyan ng niluluto
- ka•sípnt1:nagpapaliwanag sa dahi-lan o naging bunga ng isang bagay o gawain2:[Kap Pan Tag] sumusunod sa pangngalan o panghalip, nagpapahayag ng pagda-ramdam o pagsisisi sa isang bagay na naunang ginawâ, hal “Ikaw kasi’y nagpakíta pa.”