ka•sa•nà•an : pook na tirahan ng mga demonyo at ng ma-sasamâng kaluluwang nagdurusa dahil sa kasalanan
ka•sa•na•yán 1: isang tiyak na nakukuha o pinag-kadalubhasaang kakayahan 2: kakayahang gawin ang isang bagay nang mahusay
ka•sang•gu•nì : tao na sinasangguni o hinirang upang sangguniin sa pagbibigay ng kaala-man, paglutas ng problema, o pagpapayo
ka•sang•ká•pan 1: anumang gamit na hinahawakan upang tapusin o tupdin ang isang tungkulin 2: mga bagay na ginagamit sa tahanan, tanggapan, at iba pang establisimyento 3: anuman o sinumang nagagamit 4: isang software na tumutupad sa isang partikular na tungkulin, kara-niwang lumilikha o bumabago ng ibang program