kat•wí•ran 1: ba-tayan o dahilan ng isang paniniwala, kilos, pangyayari, at iba pa; paggamit ng isip 2: argumento o pagpapaliwa-nag na binubuo ng kongklusyon, palagay, o kuro-kuro 3: pag-iisip na may lohika
ka•u•ga•li•án 1: kalakarang matagal nang kinikilála at may lakas ng batas 2: kolektibong gawì o kilos 3: awì o kasanayán ng isang pangkat ng lipunan, karaniwang namamana ng bawat henerasyon sa sinundang henerasyon
ka•ug•ná•yan 1: kalagayan o aksiyon ng pagkaka-wing o pagdidikit ng isang tao, bagay, o idea sa iba pang tao, bagay, o idea 2: pagiging magkadugo o magkamag-anak
ka•u•ku•láng pa•a•rî : kaukulan ng panghalip na kumakatawan sa tao o mga tao na nag-aari o kinauuku-lan ng bagay, gawain, o pangyaya-ring binabanggit sa pangungusap, hal akin, iyo, kaniya
ka•u•ku•láng pa•lag•yô : kaukulan ng pangngalan, panghalip, at pang-uri na ginagamit na simuno ng isang pandiwa
ka•u•ku•láng pa•la•yón : kaukulan ng pangngalan o panghalip na ginaga-mit bílang layon ng pandiwang palipat o pang-ukol