kay•sá : ginagamit sa paghaham-bing at ipinakikilála ang pangala-wang tao o bagay na inihahambing, hal “Mataas ang mangga kaysa saging”
kay•sá kay : ginagamit sa pagha-hambing ng dalawang tao na sinu-sundan ng pangalan ng pangalawang tao na inihahambing, hal Maganda si Vilma kaysa kay Norma
kay•sá ki•ná : ginagamit sa pagha-hambing ng isang pangkat at ng isang tao na tumutukoy din sa mga kasamahan ng naturang tao, hal Malayo ang bahay namin kaysa kina Nell
ka•yu•má•nis : punongkahoy (Clausena anisumoleus) na tumataas nang 3-6 m, may mahahabàng dahon, hugis itlog ang bunga, at matatagpuan sa gubat
ka•yum•kóm : punongkahoy (Clerodendron brachyanthum) na mabuhok, tumataas nang 15 m, ma-lalapad na hugis itlog ang dahon, at may maliit at sapád na bunga