ka•yá•bang : pambabaeng basket na matibay, hugis trumpeta at parisukat ang puwit, maaaring maglamán ng mabibigat na bagay, at binubuhat sa pamamagitan ng sintas na isinasabit sa ulo
ka•yag•kág : uri ng lambat na ibinibitin sa rabaw ng tubigán, at may mga bútas na sapat upang lumusot ang ulo ng isda at masabit ang hasang
ká•yak : bangkâng ma-gaan ng mga Eskimo, sinasakyan ng isang tao, at may balangkas na kahoy na nababalutan ng balát ng poka
ka•yá•kas 1: tuyông dahon, lalo na ng mga palma at mga halámang kauri ng saging 2: tunog ng tuyông dahon na kina-kaladkad 3: uri ng lambat
ká•yam 1: pag-ása 2: punongkahoy (Inocarpus edulis) na pinakukuluan ang bunga na kahawig ng kastanyas
ka•yá•nga : halámang (Rosa chinensis) may ma-dulas at maliit na dahon, at katam-taman ang bango ng bulaklak na kulay pulá, putî, o pink
ka•yâ ngá•ni : mas mahigpit ang ibig sabihin kaysa kaya nga, iki-nakabit ito sa mga salitâng negatibo “Kaya ngani walang bukir ay magbanli.”