kay•mí•to 1: punongkahoy (Chrysophyllum cai-nito) na bilóg ang bunga at morado, madagta, at malagkit ang lamán, katutubò sa tropikong Amerika at ipinasok sa Filipinas sa panahon ng Espanyol 2: bunga ng punòng ito
ka•yó 1: sa pangalawang panau-han at ginagamit sa pagkausap sa dalawa o mahigit na tao 2: ginagamit na isahan kung tumutukoy sa nakatatanda bílang paggálang
ká•yod 1: pagkuha ng lamán ng anumang bunga sa pamamagitan ng matalim na kasangkapan 2: paglilinis o pagkikinis sa rabaw sa pamamagitan ng matulis na bagay 3: pagtatrabaho