- ka•bu•tépng | Bot | [ Kap Tag ]:alinman sa mga funggus (Agaricus campestris) na malamán
- ka•bu•téng-á•haspng | Bot | [ kabute+ng +ahas ]:uri ng nakalalasong kabute
- ka•bu•téng-gi•ní•kanpng | Bot | [ kabute +ng ginikan ]:kabute (Volvaria esculenta) na kulay kape, nakakain, at lumalago sa ginikan o nabubu-lok na gulay
- ka•bu•téng-hú•gis-ú•takpng | Bot | [ kabute+na hugis utak ]:kabuté (Morchella esculentia) na nakakain, biluhabâ ang ulo, at mataba ang tangkay
- ka•bu•téng-ma•la•ú•takpng | Bot | [ kabute+na mala+utak ]:kabuteng hugis-utak
- ka•bu•téng-ma•nókpng | Bot | [ kabute+ ng manok ]:kabuteng tumutubò malapit sa kabahayan at kinakain ng manok
- ka•bu•téng-pá•rangpng | Bot | [ kabute+ ng parang ]:ilahas na kabuteng tumutubò sa parang o bukid
- ka•bu•téng-pá•yong-á•haspng | Bot | [ kabute+na payong ahas ]:kabute (Lepiota chlorospora) na nakalala-son, putî ang ulo na may kulay tso-kolateng kaliskis, at putîng tangkay na may pabilóg na guhit
- ka•bu•téng-pun•sópng | Bot | [ kabute +ng punso ]:kabute (Collybia albuminosa) na nakakain, malambot ang ulo, at may putîng batik
- ka•bu•téng-sá•gingpng | Bot | [ kabute +ng saging ]:kabuteng nakakain at tumutubò sa katawan ng nabubulok na saging
- ka•bu•téng-sung•sóngpng | Bot | [ kabute+na sungsong ]:kabute (Pleurotus ostreatus) na hugis talaba at tumutubò sa mga tuod
- ka•bu•tí•hanpng | [ ka+buti+han ]:pagiging mabuti
- ka•bu•tí•hang-lo•óbpng | [ ka•bu•tí•hang-lo•ób ]:pagiging mapagbigay
- ka•bu•tí•hang-pá•ladpng | [ ka+buti+ han+ng palad ]:mabuting kapalaran
- ka•bu•tí•hang-u•gá•lipng | [ ka+buti+ han+ng ugali ]1:ugali, kilos, at pagsa-salita na alinsunod sa mahusay at wastong pakikipagkapuwa-tao2:pagiging magálang at wasto ang pagkilos sa anumang okasyong panlipunan
- ka•bu•u•ánpng | [ ka+buo+an ]1:ang lahat ng mga bílang2:pagiging ganap
- ka•bu•ù•ang-ka•ta•wánpng | [ ST ka+ buo+an+ng katawan ]:pagiging birhen ng isang babae o ng isang laláki
- ka•bu•wá•nanpng | [ ka+buwan+an ]1:takdang buwan ng panganganak o pagsisilang2:takdang buwan ng pagbabayad ng utang, o katulad
- ka•bu•yàpng | Bot:halámang (Agave sisalana) pinagkukunan ng hiblang ginagamit sa paggawâ ng pisi, basahan, at iba pa