ká•bo 1: opisyal na higit na mataas kaysa private at mababà kaysa sarhento 2: pinunò ng isang pangkat, gaya ng sa kabo ng mga preso 3: tángos 4: sa huweteng, tao na tagakolekta ng tayâ sa kobrador 5: porselanang tapayán o gusì
ka•bóg 1: malakas na tunog ng isang nahulog na bagay 2: mabilis at pumipintig na tunog ng isang bagay na malayò o natatakpan 3: isang uri ng palay 4: maliit na paniki