ka•brí•ta 1: parasitikong haláman (Aeginetia indica) na lumalago sa tubuhan, at ginagamit na gamot sa diyabetes 2: batàng kambing na babae, ka•brí•to kung laláki
ka•bu•há•yan 1: kabuuan ng paglikha, pamamahagi, at paggamit ng yaman, kalakal, at serbisyo, tulad ng sa isang bansa 2: sistema sa pangangasiwa nitó
ka•bú•hos-ú•tang : anak, na nangangahulugang ang anak ay mula sa kanilang magulang at may iisang kapalaran