ké•mis•trí 1: ag-ham ng komposisyon, estruktura, mga katangian, at reaksiyon ng matter, ng sistema ng mga atom at molecule 2: kom-posisyon, estruktura, mga katangian, at reaksiyon ng isang substance
kén•di 1: asukal na hinaluan ng ibang pampalasa, pinatigas, at hinati-hati matapos pakuluán at pasingawán 2: piraso ng minatamis
kéng•keng 1: tunog ng pagpalò sa puwit ng kawali na karaniwang ginagawâ kung Bagong Taon 2: pi-nahinàng tunog ng batingaw
Kén•koy 1: sikát na katatawa-nang karakter sa komiks na nagsi-mula noong 1929 at kilalá sa ayos ng buhok na plastado sa pomada at sa maluwang na pantalon 2: sa maliit na titik, tao na mapagpatawa
kennel (ké•nel) 1: maliit na bahay ng áso 2: establisimyento na nagpapalahi, nag-aalaga, nagpapa-lakí, at nagsasánay ng mga áso
kenning (ké•ning) : meta-porikong tambalang salita o pahayag sa sinaunang panulaan ng Ingles at Norse, hal whale’s bath para sa dagat