- ké•tongpng | Med | [ Kap Tag Tsi ]:sakít sa balát na nakahahawa, makaliskis at kulay abuhin ang anyo, dahan-dahang kinakain o inuubos ang iba’t ibang bahagi ng katawan
- két•sappng | [ Ing ketchup, catchup ]:malapot at kulay puláng sarsa, kara-niwang gawâ sa kamatis, sibuyas, asin, at iba pang sangkap
- keypng:tawag sa titik K
- key (ki)png1:2:kasang-kapan na ginagamit sa pagpihit ng tornilyo o tuwerka, hal pihitan ng relo3:teklado na dinidiinan ng daliri sa pagpapatugtog ng piyano, plawta, at iba pang instrumentong pangmusika4:teklado sa makinilya o computer5:pook na nagpapahintulot na ma-kontrol ang dagat o isang teritoryo dahil sa estratehikong lokasyon nitó6:a solusyon o paliwanag b salita o isang sistema na ginagamit upang matuklasan ang isang lihim na kodigo c listáhan ng mga kaukulang paliwanag na ginagamit sa mapa o talahanayan d maniobra sa mga problematikong sitwasyon sa ahedres e aklat ng mga solusyon para sa mga problemang matematiko f literal na pagsasalin ng isang aklat na isinulat sa banyagang wika g Mus pangkat, eskala, o sistema ng mga notang pa-wang nakaugnay at nakabatay sa isang hatag na saligang nota
- keyboard (kí•bord)png | [ Ing key+ board ]1:isang set ng mga teklado sa makinilya, computer, piyano, at iba pang instrumentong pangmu-sika2:elektronikong instrumentong pangmusika na may mga set ng tek-lado tulad sa piyano
- keyhole (kí•howl)png | [ Ing ]:bútas sa kandado na sinusuutan ng susi
- keyhole surgery (kí•howl sér•dye•rí)png | Med | [ Ing ]:minimal na pamama-raan sa operasyon na isinasagawâ sa napakaliit na hiwa sa partikular na bahagi ng katawan
- keykpng | [ Ing cake ]1:hinurnong tim-pla ng arina, mantekilya, itlog, asukal, at iba pa2:pagkaing hinugis sapád at bilóg
- keynote (kí•nowt)png | [ Ing key+note ]1:umiiral o namamayaning tono o idea sa isang okasyon2:sinumang naatasan na itakda ang namamaya-ning tono o idea sa isang pulong o kumperensiya3:nota na bata-yan ng isang key
- keypunch (kí•pants)png | [ Ing key+ punch ]:mákináng ginagamit sa paglilipat ng mga datos sa pamamagi-tan ng pagbútas sa mga kard o papel
- keypuncher (ki•pán•tser)png | [ Ing key+ punch+er ]:opereytor ng isang mákiná para sa keypunch
- keyword (kí•werd)png | [ Ing key+word ]1:susi sa lihim na kodigo2:a salita na lubhang mahalaga b salita na ginagamit upang mabuksan at maláman ang nilalamán ng isang file
- KGB,daglat | [ Rus Komitet Gosudars-tvennoi Bezopaznosti ]:Komite sa Seguridad ng Estado; lihim na orga-nisasyon ng pulisya sa dáting Un-yong Sobyet na itinatag upang mag-espiya sa mga panloob at panlabas na usapin ng bansa at sa mga krimen laban sa estado
- khaddar (ká•dar)png | [ Hin ]:telang hinábi sa bahay