khan (kan) 1: titulong ibinibigay sa mga pinunò at opisyal sa gitnang Asia, Afghanistan, at iba pa 2: a supremong pinunò ng mga tribung Turko, Tartar, at Monggol b emperador ng China sa panahon ng imperyong Monggol
ki•á•ngan : bul-ul na anyong sumasayaw, nagbabantay sa kamalig ng bigas, at nagpaparami ng mga ito kapag nagbibigay ng pag-aalay
kí•bal 1: depekto o dis-torsiyon sa rabaw, karaniwan ng ka-hoy o kardbord, dahil sa pagkalantad sa matinding init o lamig 2: áyap 3: paglakí ng tiyan dahil sa labis na pagkain ng prutas o pag-inom ng likido
kí•bang 1: pag-uga o pag-ugoy ng estrukturang dapat na matatag o nakapirmi 2: kíay 3: manggang maliliit
kibbutz (ki•búts) : pamayanang komunal sa Israel na karaniwang lumalahok sa agrikultura, kolektibong nagmamay-ari ng mga gamit at kíta sa produksiyon, sáma-sáma sa pagbuo ng desisyon at pag-aalaga ng mga batà