ki•bít 1: baltak sa kawit dahil kinagat ng isda 2: pagkagat sa pamamagitan ng mga ngipin sa harap 3: pagkagat sa pamamagitan ng mga ngipin sa harap
ki•bít•ka 1: isang uri ng sasakyang may takip at hinihila ng hayop 2: a isang uri ng pabilog na tent b bahay ng mga Tartar
kib•kíb 1: pagkuha nang buong-buo sa lamán ng niyog 2: ngatngát 3: habháb1 4: uri ng ugat na nakakain
ki•bô 1: kílos1,2 2: imík1 o pag-imik 3: paggalaw o pagkuha ng isang bagay, lalo na kung walang pahintulot ng may-ari
kick (kik) 1: sipain o tad-yakan 2: magpahayag ng samâ-ng-loob 3: ihinto ang bisyo o masamâng gawain 4: patalsikin o sisantehin 5: sa futbol, umiskor sa pamamagitan ng pagsipa sa bola patúngo sa gol
kickback (kík•bak) 1: puwersa ng pagtalbog o pagsikad pabalik ng isang bagay 2: tubò mula sa negosyo, karaniwan sa ilegal na paraan o sabwatan
ki•dáng : mammal (genus Hyemoschusat Tragulus) na tíla usa, walang sungay, at matatagpuan sa gitnang Aprika at timog-silangang Asia