ka•du•ká•do 1: lampas na ang takdang taning, tumutukoy sa pagtupad ng obligas-yon, pagbabayad ng utang, at iba pa 2: lipás na ang bisà o lakas
kad•yós : palumpong (Caja-nus cajan) na tumataas nang 1-2 m, masanga, balahibuhin, dilaw ang bulaklak, at nakakain ang muràng butó
kad•yót 1: pagpisíg ng isang bagay 2: mabilis na bigwas o unday ng saksak 3: paatras-abanteng andar ng itinutulak na karag-karag na sasakyan