ka•gát 1: súgat o hiwa na dulot ng ngipin o kasangkapang may ngipin 2: bútas na dulot ng karayom ng putakti
ká•gaw 1: uri ng maliit na parasitikong kulisap (Sacroptes scabiei) na nagdudulot ng sakít sa balát 2: mikrobyo 3: tawag sa isang maliit na batà
ka•gá•wad 1: kasapi ng lupong pamunuan o kalupunan 2: kasapi ng sangguni-ang pambarangay o sangguniang pambayan sa kasalukuyang kodigo ng pamahalaang lokal
ká•ga•wa•rán 1: sangay pampángasiwaán ng pamahalaang pambansa, panlala-wigan, o pambayan 2: larang sa edukasyon o sangay sa paaralan
ka•gi•lá-gi•la•lás 1: kakaiba o kataká-taká ang anyo 2: umiiral sa guniguni o imahinasyon 3: kahanga-hanga ang gawain o uri