ka•ga•mi•tán 1: anumang instrumentong pangka-may sa paggawâ o pagpapabilis ng mga karaniwang gawain 2: anumang ginawâ o iniangkop para sa isang partikular na layunin, lalo na ang isang mekaniko o elektronikong gamit
ka•ga•ná•pan 1: katupáran 2: kabuuán 3: salita o mga salita na ginagamit upang mabuo ang kahulugan ng pangu-ngusap, lalo na ang layon sa panag-uri 4: kagampán2
ka•gan•dá•hang-lo•ób 1: dalisay na ugali, karaniwang nakikilála sa mahusay na pakikisáma at mabuting pakiki-pagkapuwa-tao 2: katutu-bòng katangian ng tunay na tao na hubad sa pagkukunwari at arál na asal
ká•gang 1: natuyô at tumigas na lupa sa tag-araw 2: anumang tulad ng nauna na tumigas 3: uri ng alimango na nabubúhay sa bakawan at pumapailalim sa mga punongkahoy 4: talangka na maliit at malamán, na nahuhúli sa putikán ng dalampasigan subalit hindi nakakain 5: tagák1 6: alimásag
ka•gang•káng 1: ugong o ingay na walang katuturan 2: ugong o ingay na walang katuturan1 3: tukso sa pag-awit ng isang hindi maganda ang tinig
ka•gas•kás 1: ingay na likha ng buhanging tinatapakan 2: iba pang katulad na ingay, gaya ng pagkain ng labanos, ng bagong damit, at ng barya sa bulsa 3: uri ng malaking sili 4: uri ng isang halámang-gamot