ka•gi•pí•tan 1: kalagayan o pangyayari na nanga-ngailangan ng kagyat na pagkilos 2: kalagayang medikal na nangangailangan ng agad na lunas
ka•gít 1: uri ng loro (genus Prioniturus), malimit na lungti ang balahibo ngunit may kapansin-pansing isang pares ng itim at tíla raketang buntot 2: maliit na patpat na inilalagay sa pluma para gawing tandâ
ka•gi•tí•ngan 1: pagiging magiting 2: katangian ng nagmamahal at nagtataguyod sa dangal ng pagkatao, naghahangad ng tagumpay at kadakilaan ng sariling komunidad o bayan, at nagsi-sikap para sa kagalingan at kabutihan ng kapuwa